DONDON DIREK ERIK JENNYLYN AT KATRINA AGUILA copy

PUMIRMA ng contract sa Reality Entertainment si Jennylyn Mercado para sa gagawing pelikula na kakaiba raw. Present sa contract signing ang owners ng film outfit na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Post ni Jennylyn sa social media: “My first movie for the year, and first time working with Reality Entertainment on a genre na first time ko ding gagawin. I hope you share the excitement for #JennylynRealityMovie coming soon.”

Sa “coming soon” na sinabi ni Jennylyn, ibig sabihin, this year balak ipapalabas ang pelikula at ibig ding sabihin, malapit nang magsimula ang kanyang shooting.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hintayin na lang natin ang announcement kung sino ang makakasama niya sa pelikula na wala pang title.

May mga nag-react sa akalang Darna ang pelikulang gagawin ni Jennylyn dahil si Direk Erik din ang director. Pero ang exclusive rights ng Darna ay nasa ABS-CBN at ang Star Cinema lang ang may karapatang magsapelikula nito.

Samantala, siguradong hindi maaapektuhan ang taping ni Jennylyn ng My Love From The Star ng GMA-7 dahil matagal na silang nakapag-taping ni Gil Cuerva at marami nang pondo. (Nitz Miralles)