Ni Nitz Miralles

SanyaHINDI nauubusan ng pasabog ang Encantadia at hindi magtatapos ang mga panggulat sa Encantadiks ng fantaserye sa pagpasok nina Zoren Legaspi at Ian de Leon bilang sina Emre at Keros.

Isa sa mga bagong pasabog ng Encantadia ang bagong armor ni Dayana (Sanya Lopez). Hindi na earth color ang armor ng reyna ng Lireo kundi kulay blue na at may paliwanag kung bakit, tuluy-tuloy lang ang panonood sa fantaserye.

Wala pa ring balita kung kailan magtatapos ang Encantadia, hindi pa sigurado ang May na ending nito dahil nga marami pa ang nangyayari at may mga bagong karakter pang papasok. Isa sa mga ito si Cassandra na galing sa hibla ng buhok ni Lira (Mikee Quintos), ginawa ni Cassiopea (Solenn Heussaff) at lalabas na anak ni Lira.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, mabuti at naalis na rin ang takot at pagkapraning ni Sanya nang pasukin ng isang menor de edad na magnanakaw ang bahay nila ng kapatid na si Jak Roberto. Lagi na raw may katabing pamalo si Sanya ‘pag natutulog at konting kaluskos ay nagigising na siya.