Naniniwala si Senator Leila de Lima na nagmamasid ang buong mundo sa mga susunod na hakbang ng Interparliamentary Union (IPU) hinggil sa kanyang kaso.

Nagpasalamat din si De Lima sa IPU, European Parliament sa pagbibigay-pansin sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

“In all sincerity and humility, I thank the IPU, particularly its Governing Council, for seriously and swiftly taking up my case and for having expressed its deep concern about my arrest and detention. I thank and honor them for their easy grasp and discernment of my and the country’s situation,” saad sa sulat-kamay ni De Lima para sa mga mamamahayag.

Aniya, may indikasyon ang IPU at ang ibang grupo na kuwestiyonable ang pagkakakulong sa kanya batay na rin sa mga pahayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga tauhan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Enlightened men and women as they are, the IPU wisely takes issue on the very public statements of Duterte and his Secretary of Justice which undeniably partake prejudgment which ‘flout the principle of the presumption of innocence’, hence, grossly violative of my constitutional and human right to due process,” dagdag ni De Lima.

(Leonel M. Abasola)