LUIS AT JESSY copy

APRUB na aprub kay Congresswoman Vilma Santos-Recto ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Kulang na lang ay bigyan na niya ng blessing ang anumang desisyon ni Luis hinggil sa isyung plano na raw magpakasal ng dalawa.

Tanggap na rin ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng dalawa at pati na rin ng fans at supporters nina Luis at Jessy kung sa tahimik na nga mauuwi ang relasyon nila.

Katwiran pa ng malalapit na tao kay Luis na nakausap namin, wala namang magiging problema sa trabaho panganay ni Ate Vi bilang TV host kung iwan man nito ang buhay-binata. Mahusay na TV host si Luis kaya tiyak na magtuluy-tuloy pa rin ang dating ng projects kahit maging married na ang status niya.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Napaka-stable na rin ni Luis pagdating sa financial aspect, at patuloy na lumalago ang mga negosyong naipundar niya.

Kayang-kaya nilang mamuhay nang marangya ni Jessy kahit maapektuhan pa ng pagpapakasal nila ang showbiz career ng huli.

Ayon sa aming sources, nabanggit daw ni Luis sa kanila na ngayong mag-asawa na ang kaibigan niyang si Billy Crawford ay dapat na rin niyang iwanan ang pagiging binata at harapin na rin ang buhay may-asawa.

Samantala, kahit hindi na gobernadora ng Batangas ay nagpakilos pa rin si Congresswoman Vi ng kanyang mga tao sa buong Batangas pagkatapos ng lindol the other day. (JIMI ESCALA)