Melanie copy

UMIIWAS ang mga aktres na pag-usapan ang paksa ng pagreretoke, pati na rin ang kanilang A-list hookups. Pero malayang nagsalita tungkol sa mga ito si Melanie Griffith sa pinakabagong panayam sa kanya.

Inihayag niya sa London Times kung paano siya naging halimbawa ng nagkamaling pagpaparetoke. Aniya, “I had surgery 20 years ago. …Then, about seven years ago, I started doing injections. …I think I must have been allergic to it,” saad ni Griffith na dahil sa mga kritisismo sa online ay sinikap niyang maibalik ang sarili sa dati sa pamamagitan ng “dissolving.” “Hopefully, I look more normal now,” ani Griffith.

Mas reflective siya sa pakikipaghiwalay kay Antoniol Banderas noong 2015.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“My marriage to Antonio fell apart because I was stuck,” paliwanag ni Griffith na nanatiling single ngunit may magaling na matchmaker at kaibigan na si Kris Jenner. “She’s been trying (to set me up). I mean, it’s weird,” ani Griffith. 

 

Inamin din ni Griffith ang tungkol sa fling nila nina Warren Beatty, Ryan O’Neal, at Jack Nicholson. Ayon sa Working Girl star, “I did have a little thing with those three back in the day. They were awesome!” (Yahoo Celebrity)