JANELLA copy

UMITIM si Janella Salvador sa tatlong araw na shooting nila ng My Fairy Tail Love Story (Regal Entertainment).

Sobrang init daw sa location nila sa Zambales na napiling pagsiyutingan ni Direk Jun Lana.

“Kahit panay ang apply ko ng sunblock, umitim pa rin ako, pero okay lang ‘yun dahil ang kapalit naman ay natupad ang childhood dream kong maging sirena. It’s been my dream to play a mermaid at na-achieve ‘yun sa movie. I love my role dahil hindi lang siya basta mermaid. Si Chantel (name ng karakter niya) ay kikay at maarteng mermaid,” kuwento ni Janella.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Kapag napanood daw ang pelikula, malalaman ang tunay na kuwento ni Chanel na ngayon pa lang ay love na love na ni Janella. Na-pressure lang siya nang malamang ipapasok ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival ang My Fairy Tail Love Story.

“Medyo may pressure dahil MMFF ‘yun, pero may kasamang excitement dahil for a long time, walang mermaid movie sa MMFF. Saka ‘yung last movie ko sa MMFF, Haunted Mansion. We will do our best na mapaganda ang pelikula,” sabi ni Janella.

Bilang paghahanda sa nasabing role, sumailalim si Janella sa diving training at mermaid swimming dahil iba ang langoy ng mga sirena kumpara sa ordinaryong paglangoy. Kinailangan ding mag-dive ni Janella ng 12 feet para mas pulido ang training.

Si Elmo Magalona ang leading man ni Janella sa My Fairy Tail Love Story na kasama rin niya sa Star Cinema movie na Blood Crayons. (NITZ MIRALLES)