Pinaulanan ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang apat na lalaki, tatlo sa mga ito ay nasawi at ang isa ay sugatan, habang naglalaro ng cara y cruz sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot sina Recon Tizon, 37; Rainer Naraja, 39, kapwa residente ng Block 66, Lot 21, Phase 4, Barangay 176, Caloocan City at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Isinugod naman sa ospital si Joseph Santiago, 32, factory worker, na nadaplisan ng bala sa katawan.

Sa report ni PO3 Rommel Caburog, bandang 3:00 ng madaling araw kahapon ay abala sa pagsusugal ang mga biktima sa harap ng isang tindahan sa Block 65, Phase 1, Package 4, Bgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kasagsagan ng kanilang paglalaro ay bigla umanong sumulpot ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng facemask at lulan sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang mga nagsusugal, bago tuluyang humarurot palayo.

Ayon sa pulisya, posibleng tagaroon sa lugar ang mga salarin at maaaring may kinalaman sa pagsusugal ang motibo sa pamamaril. (Orly L. Barcala)