NAKAISKOR si substitute Alberto Echin sa krusyal na sandali para gabayan ang University of the East kontra Far Eastern University, 2-1, kahapon sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Nakasilip ng tyempo si Echin para maisalpak ang winning goal at ibigay sa Red Warriors ang unang panalo sa loob ng isang buwan.

Sa kabila ng kabiguan, nanatili ang Tamaraws sa ikatlong puwesto tangan ang 19 puntos.

Naitala ni Rico Andes ang ikaapat na goal ngayong season para sa FEU bago naitabla ni UE striker Jasper Absalon ang iskor sa ika-70 minuto sa penalty.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?