Kim copy

HANDANG sumailalim sa operasyon si Kim Kardashian–West para muling magkaanak.

Ibinahagi ng reality star, sa bagong clip mula sa Keeping Up With the Kardashians episode sa Abril 2, sa kanyang pamilya na plano niyang sumailalim ng operasyon para muli siyang magbuntis.

Mayroon nang dalawang anak sina Kim at Kanye West, sina North, 3, at Saint, 15 taong buwang gulang.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I have to go in and repair my uterus. Because I decided I’m going to try to have one more baby,” sinabi niya sa kanyang ina na si Kris Jenner at mga kapatid na sina Kourtney at Khloe Kardashian, Kendall at Kylie Jenner. “Isn’t that exciting?”

Tila nag-aalala ang kanyang pamilya sa desisyon niya. “I thought you were for sure done,” saad ng isa sa kanyang mga kapatid, at nagbabala naman ang boyfriend ni Kris na si Corey Gamble kay Kim na huwag gumawa ng “anything risky.”

Nang tanungin ni Khloe kung ano ang magiging procedure ng operasyon, tugon ni Kim, “I have to have surgery on my uterus to kinda repair this hole. So they need to like clean that out and then there’s like scar tissue. It’ll still be like a really high-risk pregnancy, just I would be able to get pregnant.”

Dagdag pa niya: “Having more kids is definitely going to be a struggle. I’ve gone through so much with really bad deliveries that the doctors don’t feel like it’s safe for me to conceive again myself.”

Isang Kardashian source ang nagbunyag sa bagong issue ng Us Weekly na “having a kid would jeopardize Kim’s health incredibly.” Saad ng source, “Doctors have told her no.”

Gayunman, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob si Kim. “This surgery is really the one last thing I can try,” aniya sa promo clip. “I want my kids to have siblings, and I want to know that I did everything I could to make this happen.”

(Us Weekly)