Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa isang golf course sa Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang nahulog mula sa pader ng golf course si Pempenio Ampo, 46, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District –Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong 7:30 ng umaga nang madiskubre ni Ramil Anota, 47, ang bangkay sa estero sa gilid ng golf course na matatagpuan sa Sta. Lucia Street sa Intramuros.

Sa imbestigasiyon, madalas umanong makita sa lugar ang biktima na kung hindi lasing ay natutulog.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala umanong sugat sa katawan ang biktima, ngunit may dugo ito sa ilong at bibig. (Mary Ann Santiago)