WHITE PLAINS, N.Y. (AP) — Isasasabak ng Team United States sina Jack Sock, John Isner, Sam Querrey at Steve Johnson kontra sa host Australia sa Davis Cup quarterfinals sa Abril 7-9.

Ipinahayag ni U.S. captain Jim Courier ang kompletong listahan ng player nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Mapapalaban sila kina Australian captain Lleyton Hewitt, Nick Kyrgios, Jordan Thompson, Sam Groth at John Peers.

Sina No. 16 Kyrgios at No. 17 Sock ang tanging player mula sa magkabilang grupo ang kabilang sa ATP top 20.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakdang ganapin ang best-of-five series sa outdoor hard court sa Brisbane.

Tangan ng U.S. ang 26-20 bentahe laban sa Australia sa head-to-head duel.