Nagpahayag kahapon ang Malacañang na patuloy na magtatrabaho si Pangulong Duterte para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino kahit walang natatanggap na anumang parangal.

Ito ay makaraang manguna ang Presidente sa pagsisimula ng botohan para sa Time Magazine’s 100 most influential people for 2017.

Ayon kay Spokesperson Ernesto Abella, kinikilala ng Palasyo ang pagkakasali ng President at ang inisyal na mataas na rating sa naturang botohan.

“President Duterte is grateful to the Filipino people all over the world for their support for him and his agenda of real change in Philippine society,” saad sa text message niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“As a public servant he serves the nation faithfully and without any thought of receiving any distinction. For him, the presidency begins and ends with public interest,” dagdag niya.

As of press time, nananatiling si Pangulong Duterte ang nangunguna sa poll simula nang buksan ito ng Time Magazine nitong Biyernes.

Ang poll ay magtatapos ng 11:59 n.h. E.T. sa Abril 19 o 11:59 n.u. sa Abril 20, Manila time.

Sa latest poll results, may apat na porsiyento si Duterte sa online vote, taglay ang 76%.

Sumusunod sa kanya sina Pope Francis, Russian President Vladimir Putin, Facebook CEO Mark Zuckerberg, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Microsoft co-founder Bill Gates, at ang aktres na si Emma Watson. Lahat sila ay nakakuha ng 3%.

Naging cover ang nakangiting si Duterte ng Time Magazine na tinagurian siyang ‘The Punisher’ noong May 23, 2016 issue. (Argyll Cyrus B. Geducos)