Asahan ng mga motorista ang panibagong oil price rollback na ipatutupad sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 30 sentimos ang kada litro ng diesel habang maaaring wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene.

Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Martes, Marso 21, nang magbawas ng P1.20 sa kada litro ng kerosene, P1.10 sa diesel at 80 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea
Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!