Kahindik-hindik ang pagkamatay ng apat na katao na minasaker sa loob ng isang bahay sa Barangay Payatas, Quezon City, iniulat kahapon ng awtoridad.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga nasawi na sina Anthony Salazar, 28, ng Block 29, Lot 30, Lupang Pangako, Barangay Payatas B, Quezon City; Tirso Cervantes, 50, ng Area 6, Sitio Veterans, Bgy. Bagong Silangan, Quezon City; Criselda Chua lyas Dadang, 34, ng No. 111 Golden Hills, Bgy. Payatas B, Quezon City; at Leo Barba, 36, ng Dove Street, Area 4, Sitio Veterans, Bgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, dakong 1:30 ng madaling araw kahapon nang madiskubre ng mga awtoridad ang isang bahay nagsisilbi umanong drug den sa No. 111 Bicol St., kanto ng Nickel St., Bgy. Payatas A, Quezon City.

Ayon kay Police Supt. Lito E. Patay, sinalakay ng mga hinihinalang miyembro ng vigilante group ang nasabing drug den at isa-isang pinatay ang apat na biktima.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narekober sa pinangyarihan ang drug paraphernalia, kabilang ang apat na aluminum foil at lighter, at 13 basyo ng caliber .45 baril. (JUN FABON)