INIHAHANDA ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bagong sistema sa pagbibigay ng cash incentives sa mga mangungunang atleta sa Philippine National Games upang maayudahan ang paghahanda ng mga Local Government Unit (LGUs).

Isinusulong ng sports agency ang Philippine Sports Institute (PSI) kung saan ang konsepto at maipahatid sa serbisyo ng pamahalaan sa sports sa mga lalawigan at malalayong kanayunan.

“With a new incentives scheme, mahihikayat natin ang mga LGUs na palakasin ang kanilang mga atleta para sa biyayang ibibigay ng PSC para mas matugunan ang pangangailangan ng mga kabataan.

Ayon kay PSC chairman William Ramirez, ang planong P10 million cash prize sa mananalong LGU ay ipagkakaloob para palakasin ang sarili nilang grassroots sports program.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“It’s not about the incentive. It’s about the grassroots program that was created,” sambit ni Ramirez, sa kanyang mensahe sa mga kinatawan ng LGUs sa Calabarzon at Mimaropa regions kung saan nagsagawa ng ‘Sports Caravan’ ang ahensiya.

“Magbibigay kami sa champion team na babalik sa city or province,” sambit ni Ramirez.

Plano ng PSC na gamitin bilang halimbawa ang ginagawang incentive scheme ng China sa kanilang mga atleta.

Iginiit ni Ramirez na maraming LGUs ang hindi makalahok sa PNG at Batang Pinoy dahil sa kawalan ng sapat na pondo.

“Mabuti kung bigyan ninyo kami ng pera,” said Ramirez, patungkol sa pahayag ng isang LGU representative.