NEW YORK (AP) — Sinuspinde ng isang laro at walang bayad sina Chicago’s Robin Lopez at Toronto’s Serge Ibaka bunsod nang gulong nilikha nila sa duwelo na pinagwagihan ng Bulls nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hindi makalalaro si Lopez sa laban ng Chicago kontra Detroit, habang hindi makakasama sa bench si Ibaka sa laro ng Toronto kontra Miami sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Pinagmulta naman ng US$15,000 si Raptors assistant coach Jamaal Magloire bunsod nang pakikisawsaw sa gulo. Sa gitna ng kaguluhan, nakitang itinulak niya si Bulls forward Nikola Mirotic. “He acted other than a peacemaker,” ayon sa NBA.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA