MAIKLING panahon na lang ang ipaghihintay ng loyalistang supporters ng Jo-Chard love team nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at muli na silang mapapanood sa teleserye sa ABS-CBN.

Yes, Bossing DMB, nakikipagsabayan ang Jo-Chard sa pagbabalik-serye ng KathNiel at LizQuen bago matapos ang taon, mula sa Dreamscape Entertainment.

Sino nga ba ang makakalimot kina Sir Chief at Maya na tinutukan ng mga Pinoy hanggang sa ibang bansa at nag-iiyakan pa.

Ayaw pang ibigay sa amin ang detalye tungkol sa romantic comedy serye nina Jodi at Richard pero tiniyak sa amin ng taga-Dos na muling mai-in love sa dalawa ang televiewers tulad noong umeere ang Please Be Careful With My Heart.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya klinaro na hindi raw si Robin Padilla ang makakatambal ni Jodi sa pagbabalik serye nito kundi si Richard.

(Reggee Bonoan)