MAINE AT ALDEN copy

NAAPEKTUHAN nang husto ang televiewers sa eksena nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Destined To Be Yours kamakailan nang malaman na ng dalaga ang tunay na katauhan ng binata.

Kitang-kita ang reaksiyon na ito sa posts ng mga tagasubaybay ng show sa Twitter at Instagram. “Masyadong ginalingan ng dalawa ang pagpapaiyak sa kanila” sabi nila, dahil hindi pa rin sila makapag-move on.

Bilib na bilib sila sa sincerity ng acting ng dalawa. Naawa sila kay Sinag (Maine) dahil ramdam na ramdam nila ang pakiramdam nito nang matuklasang niloloko lang pala siya ni Benjie (Alden). Pero ganoon rin daw ang naramdaman nila for Benjie dahil nakita naman nila na totoo ito sa paghingi ng tawad sa dalaga.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nagtatanungan tuloy ang netizens kung iyon na ba ang huling pagkakataon na makikita ng mga taga-Pelangi si Benjie dahil galit ang lahat sa kanya sa panlolokong ginawa sa kanila -- dahil isa pala itong Rosales.

Mapapatawad pa kaya siya ni Sinag?

Hay, Alden at Maine, iba talaga hatak ninyo sa viewers! Kapag umiiyak kayo, umiiyak din sila.