OKLAHOMA CITY (AP) — Nailista ni Russell Westbrook ang ika-35 triple-double ngayong season sa naiskor na 18 puntos, 11 rebound at 14 assist sa panalo ng Oklahoma City Thunder, 122-97, kontra Philadelphia 76ers nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nahila ng Thunder ang dominasyon sa Philadelphia sa 16-0 mula noong 2008-09 season, kauna-unahan ng prangkisa ng Oklahoma City.

Sa kabuuan, limang triple-double ni Westbrook ay nagawa niya laban sa Sixers. Kakailanganin niya ang anim na triple-double sa nalalabing 11 laro ng Oklahoma City para mapantayan ang record ni Oscar Robertson noong 1961-62 season.

Nanguna si Nik Stauskas sa 76ers na may 20 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NUGGETS 126, CAVALIERS 113

Sa Denver, ginulantang ng Nuggets, sa pangunguna ng nagbabalik-aksiyon na si Wilson Chandler na may 18 puntos, ang defending NBA champion Cleveland Cavaliers.

Nakabawi ang Nuggets mula sa magkasunod na kabiguan para makaangat ng 1 ½ laro sa Portland para sa labanan sa ikawalo at huling playoff spot sa Western Conference.

Nag-ambag si Will Barton ng 20 puntos, habang tumipa sina Kenneth Faried at Jamal Murray ng 17 at 15 puntos, mula sa bench.

Nanguna si Kyrie Irving sa Cavs sa naiskor na 33 puntos, habang nalimitahan si LeBron James ng 18 puntso.

CELTICS 109, PACERS 100

Sa Boston, kumubra si Isaiah Thomas ng 25 puntos, habang umiskor si Avery Bradley ng 18 puntos at walong rebound sa panalo ng Celtics kontra Indiana Pacers.

Kumana rin si Al Horford sa naiskor na 15 puntos, walong rebound at walong assist, at humataw si Jae Crowder ng 15 puntos para sa Boston, nagwagi sa ika-12 sa 13 laro sa home game.

Humirit si Paul George sa Pacers na may 37 puntos at humugot si Jeff Teague ng 25 puntos.

Sa iba pang laro, natameme ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 117-95; hiniya ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 109-102; ginapi ng Washington Wizards ang Atlanta Hawks, 104-100;