Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi mapipigilan ng anumang banta ng mga terorista ang mga mananampalataya sa paggunita sa mga tradisyon sa Semana Santa.

“There were always threats but Filipinos, despite such, were not deterred from doing their spiritual activities,” sabi ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Public Affairs Committee ng CBCP, sa isang panayam.

Sinabi ni Secillano na kapag nahaharap sa mga ganitong sitwasyon ay nagiging mas madasalin pa nga ang mga deboto para humingi ng seguridad sa Diyos.

Gayunman, hiniling niya sa mga mananampalataya na manatiling alisto, kalmado at huwag hayaang manaig ang takot sa kanila sa pag-oobserba ng Semana Santa

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na nakarating na sa Metro Manila ang grupong Maute kasunod ng pagkakaaresto sa isang miyembro nito sa Quezon City kamakailan. (Leslie Ann G. Aquino)