LONDON (Reuters) – Nagpatupad ang Britain ng mga pagbabawal sa carry-on electronic goods sa mga direct inbound flight mula sa Turkey, Lebanon, Jordan, Egypt, Tunisia at Saudi Arabia para sa kaligtasan ng publiko, sinabi ng tagapagsalita ni Prime Minister Theresa May nitong Martes.

Nauna nang nagpatupad ang United States ng kaparehong mga pagbabawal sa mga eroplano mula sa 10 paliparan sa mga bansang Muslim sa Middle East at North Africa bilang tugon sa banta sa seguridad.

“Direct flights to the UK from these destinations continue to operate to the UK subject to these new measures being in place,” sinabi ng tagapagsalita sa mamamahayag. “We think these steps are necessary and proportionate to allow passengers to travel safely.”

Hindi papayagan ang mga pasahero na magbitbit sa cabin ng cellphone, laptop o tablet na mahigit 16 cm ang haba, 9.3 cm ang lapad at mahigit 1.5 cm ang kapal. Ang mga gamit na ito ay kailangang isama sa hold luggage, aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'