PHOENIX (AP) – Natuklasan ng mga awtoridad ang mapanganib na bagong uso sa drug trafficking sa Arizona kung saan ang mga adik ay umiinom ng mga pekeng OxyContin pill na hinaluan ng mas malakas na painkiller, ang fentanyl.

Ang mga pekeng gamot ang sanhi sa pagkamatay ng 32 katao dahil sa overdose sa Phoenix sa nakalipas na 18 buwan, sinabi ni Doug Coleman, ang special agent na namumuno sa operasyon ng Drug Enforcement Administration sa Arizona.

Aniya, hindi alam ng mga adik na ang iniinom nila ay mas matapang na droga. “They think they are taking Oxy, but they are taking fentanyl,” ani Coleman.

Ang fentanyl, 50 beses na mas matapang kaysa heroin, ay inirereseta sa mga pasyenteng may cancer na hindi na tinatablan ng ibang narcotic. Nagpatupad ang gobyerno ng mas mahigpit na pagbabawal sa fentanyl.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na