Ni REGGEE BONOAN

Lolo Rarmon at Ria
Lolo Rarmon at Ria
IYAK nang iyak si Ria Atayde sa guesting niya sa Magandang Buhay para sa promo ng My Dear Heart -- mapapanood ngayong alas otso ng umaga pagkatapos ng Umagang Kayganda -- dahil nasorpresa siya sa pagpunta ng Papito niyang si Mr. Ramon Atayde, Jr.

Kuwento ni Ria sa show, “Grabe, sobrang na-surprise po ako, kasi hindi naman siya sumasama sa mga ganyan. First time niyang lumabas sa TV,” sabay sandal ng aktres sa balikat ng Papito niya.

Napaka-busy rin kasi ni Papito, nalaman namin nang makapanayam namin siya habang naghihintay kami ng go signal ng pagpasok niya sa studio. Nabanggit niya na kailangan niyang iurong ang lahat ng meetings niya nang araw na iyon para makasipot guesting ng apo sa Magandang Buhay.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I have to adjust all my meetings today, I have meeting at 2 PM, but I scheduled it by 11 AM kanina,” sabi ni Papito habang may binabasang messages sa kanyang cellphone.

Araw-araw pa rin palang pumapasok sa kanyang opisina sa Makati at sa Pier sa Tondo si Mr. Ramon Sr., “Because if I don’t work or go to the office everyday, I will die young,” sabi sa amin.

Sa edad na 77 years old ay hindi pa nagreretiro ang papito ni Ria, dahil nasanay na nga raw siyang may ginagawa araw-araw.

Gusto sana ng lolo ni Ria na sa business sector mapunta ang kanyang apo, dahil ito naman talaga ang linya ng pamilya nila, pero walang siyang magagawa dahil sumunod din sa yapak sa showbiz ng kanilang inang si Sylvia Sanchez.

Kaya nang tanungin si Papito ni Melai Cantiveros sa interbyuhan kung ano ang reaksiyon niya nang pumasok na rin sa showbiz ang apo na ikaapat sa panganay, ang sabi niya: “Well, I have nothing against acting, because my father used to act in the vaudeville before so there’s nothing against it.

“The only thing I requested them is find a good career but you have to finish college first. Because when you finish your college, then you probably better prepared and you will be able to live after you finish your career. So this is what I told them, right?” sabay tingin kay Ria ni Mr. Ramon Sr.

Ini-encourage ng matandang Atayde ang mga apo sa anumang magagandang pangarap at gustong gawin sa buhay na makakapagpasaya sa kanila.

Naluluhang sagot ni Ria, “Super, super po akong nagpapasalamat naman, and the fact na nandito siya, it’s just to show na... Si Papito po kasi, very business oriented and ‘yung buong family is business (ang linya), so obviously mga bata pa lang kami, we are all semi-being groomed to be corporate, di ba?

“So, parang nu’ng nag-artista kami (sila ni Arjo Atayde), I felt like...” may napatulong luha sa mata ni Ria, “I may have let him down, pero to see him actually very proud like ‘yung tipong he sees me on TV, he, ‘Oh, you’re doing what you like?’ so parang ganu’n. It’s just so nice na parang... (naiyak ulit). I am really thankful, not only for the support, for the love kasi mula nu’ng bata po ako, parati siyang nandiyan, naka-support from education, you know the simple luxury of life, the travel, to be able to do what I wanted to do, parati po siyang nakasuporta and every Sunday po, siya po ‘yung nagturo ng values ng family po.  

“Kasi every Sunday po nagkikita-kita po kami because of his influence na lahat kaming magpipinsan, we see each other every Sunday even though how busy we are, kasi at the end of the day, family will always be number one.”

Dahil sobrang busy nga ng Papito ni Ria, bihira nitong mapanood ang apo sa My Dear Heart, pero kapag news naman at may interview si Ria sa TV Patrol ay natutuwa itong maghintay para makita ang dalaga.

Sa mga pahayagan ay nababasa rin ni Papito ang aktres at si Arjo.

Napansin namin na siya pala ang kamukha ni Arjo, at sinabi namin ito sa kanya. 

“Really? Well, when I was younger and thin, I think (kamukha ko),” nakangiting sagot sa amin.