Sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naghihintay na lang ito ng go-signal mula sa gobyerno upang simulan na nila ang pagpapatrulya at mapping sa Benham Rise.

Nabatid kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nakahanda ang militar sa direktiba ni Pangulong Duterte para magsagawa ng malawakang pagsuyod sa Benham Rise, na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

“We are just awaiting the green light from government for the AFP to start the patrol and mapping survey at Benham Rise,” sabi ni Padilla.

Aniya, ang Philippine Navy ang magsasagawa ng mapping survey, habang aerial survey naman ang gagawin ng Philippine Air Force (PAF).

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Matatandaang sinabi noong nakaraang linggo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi imposibleng magsagawa rin ang gobyerno ng sarili nitong survey sa Benham Rise upang matukoy ang mga likas na yaman sa lugar.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 2 na tutulong ito sa pagpapatrulya at pagbabantay sa Benham Rise.

Ito ang inihayag sa panayam sa Quezon City kay Atty. Samuel Agaloos, hepe ng BFAR-Region 2 Law Enforcement Division, at iginiit na sa kabila ng sakop ng Region 3 ang malaking bahagi ng Benham Rise at may bahagi ito na malapit sa Dinapigue, Isabela.

Sinabi ni Agaloos na hinihintay lang ng BFAR ang malaking barko para makapaglayag at magpatrulya sa lugar ang Quick Response Team (QRT) ng ahensiya. (Jun Fabon)