MIAMI (AP) – Naging limitado ang mga tira ni Hassan Whiteside ngunit hindi napigilan ang kanyang epektibong laro matpos umiskor ng 323 puntos at 14 rebounds upang pangunhn ang Miami sa 123-105 na paggapi sa Minneota Timberwolves.

Nagdagdag naman si Goran Dragic ng 19 punto at 10 assists para sa Miami na nawla si Dion Waiters matapos magtamo ng sprained ankle a second quarter ng laro kung saan naitala ng Heat ang season-best 59 percent hooting sa pamumuno ni Whiteside na nagposte ng 10 for 11 field goals.

“Probably anybody could have followed our team when we went on all those championship runs, but this is a totally different group,” pahayag niHeat coach Erik Spoelstra. “The enthusiasm, the passion to follow this team probably matches that - and I think that’s pretty cool.”

Dahil dito, umangat ang Miami sa 23-5 sa kanilang huling 28 laro, 15-1 sa kanilang huling 16 na home games.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bukod dito, nsiguro din nila ang pagpasok sa top 8 ng Eastern Conference.

“These guys are very hungry,” ani Whiteside. “A lot of these guys, we got them out of the jungle. These guys have been written off in the NBA.”

Namuno naman siKarl-Anthony Towns na may 31 puntos at 11 rebounds para sa Timberwolves, habang nagdagdag naman si Andrew Wiggins ng 25 puntos at si Ricky Rubiong 20 puntos.

“We have more than enough to win with,” ayon kay Minnesota coach Tom Thibodeau. “We’ve got to get in there and everyone’s got to do their job. This isn’t AAU basketball.”

Ang Timberwolves ay outrebounded ng Heat 40-28, at na-outscored ,24-6 sa m 3-point range bukod pa sa pagkalimita sa 14 na assists kumpara sa 29 ng Miami.

“It was terrible,”ani Wiggins patungkol sa depensa na ipinakita ng Minnesota “Any time a team shoots 60 percent is not good. We’ve just got to step it up in practice, look at what we did and fix it.”

LOS ANGELES (AP) – Isang hard foul ang ginawa ni Malcolm Brogdon kay Nick Young,na gumanti naman sa pamamagitan ng malakas na pagtulak bago siya isinalya ni Greg Monroe at dito na nakihalo sina D’Angelo Russell at Brandon Ingram kasama ng isang Milwaukee Bucks security guard.

Ang third-quarter fracas ay nagwakas sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa tatlong player na lubha namang ikinagalit ni Los Angeles coach Luke Walton.

Dahil sa nangyaring drama mas naging masigasig ang Lakers na bumalikwas ngunit hindi nagpatinag ang Bucks upang maangkin ang panalo na nagpatibay ng kanilang tsansa sa playoff.

Nagtala si Khris Middleton ng 14 sa kanyang season-high 30 puntos sa fourth quarter upang giyahan ang Bucks sa paggapi sa Lakers 107-103, para sa kanilang ikawalong panalo sa loob ng iyam na laro.

Ipinatapon sa labas ng court sina Monroe, Russell at Young pagkaraan ng kaguluhan na naganp may nalalabi na lamang 36 na segundo sa third quarter.

Habang pinuri ni Walton ang kanyang mga players sa naging reaksiyon ng mga ito sa pangyayari at nakita ang problema sa mga naging deisyon ng mga game officials , nasiyahan naman si Milwaukee coach Jason Kidd sa ipina kitang katatagan ng kanyang mga players.

“After things like that, there’s always a momentum swing, and it swung their way,” ayon kay Kidd. “The guys stayed the course. They kept playing, and we found a way to keep the lead and finish the game.”

Umiskor si Jordan Clarkson ng 21 puntos upang pamunuan ang Lakers, na nabuhayan pagkaraan ng nasabing gulo nang magawa nilang pababain ng kalamangan sa 100-103 buhat sa 18-[puntos na bentahe, may 7.9 na segundo ang nalalabi bago sinelyuhan ng Bucks ang panalo sa pamamagitan ng apat na free throws.

“I love the way the young guys stepped up for me,”wika ni Young. “As a team, the whole coaching staff, players, we’ve got each other’s backs. That’s unity. That’s a team.”

PHOENIX (AP) – Nagsalansan si Evan Fournier ng 25 puntos,upang pamunuan ang Orlando Magic sa pagputol sa kanilang 4-game losing streak sa pamamagitan ng 109-103 panalo kontra Phoenix Suns,

May iniindang sakit sa kanyang kaliwang paa, umiskor si Nikla Vucevic, ng 18 puntos at 17 rebound sa loob ng 32 minuto habang nagdagdag si Aaron Gordon ng 17 puntos bago ang three-pointer ni Terrence Ross sa natitirang 2:07 sa laro na nagbigay sa Orlando ng 107-98 na bentahe na hindi na nagawang habulin ng Suns.

Nanguna si T.J. Warren na nagtala ng 26 puntos para sa Suns, na natamo ang ikalimang kabiguan sa huling anim nilang laro.

Nag-ambag naman ang rookie point guard na si Tyler Ulis, ng 19 puntos at 8 assist.

Nalimitahan naman si Suns leading scorer Devin Booker sa 10 puntos at nabigo itong makaiskor hanggang sa third quarter.

NEW YORK (AP) – Habang nagpapahinga si Isaiah Thomas dahil sa iniindang injury sa kanyang tuhod, nag-step-up naman para sa Celtics ng kakamping si Jae Crowder.

Nagtala si Crowder ng 9 sa kanyang 24 puntos s huling bahagi ng fourth quarter habang nagdagdg si Avery Bradley ng 16 puntos upang pangunahan ang Boston sa paggapi sa Brooklyn Nets 98-95.

“A lot more shot opportunities,” ayon kay Crowder, na nagtala rin ng season-high 12 rebounds. “Just a lot of opportunities through our offense that we don’t run for him. A lot of guys were getting a lot of looks that probably weren’t used to getting.”

May pagkakataon pa ang Nets na makatabla ngunit mintis sina Brook Lopez at Quincy Acy sa ibinatong back-to-back buzzer-beater 3-pointers.

Nag-ambag din si Al Horford ng 14 puntos at 8 rebounds para sa Celtics habang ang kanilang All-Star point guard ay hindi lumaro sa una nilang road trip.

Ang ikalawa sa NBA pagdating sa scoring sa kanyang average na 29.2 puntos ay may iniindang injury sa kanyang kanang tuhod matapos ang isang masamang bagsak sa nakaraang laban nila sa Minnesota Timberwolves.

“I mean, obviously, Isaiah does so much for us on the offensive end and tonight we had to find ways,” ani Horford. “I felt like Jae Crowder answered the call.”

Bungan nang panalo, lumapit ang Boston sa namumunong Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference.

Nanguna naman si Lopez para sa Nets sa kanyang itinalang 23 puntos kasunod si Randy Foye na may 14 puntos.