Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- UP vs UE (Men)

10 n.u. -- UST vs ADMU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- UST vs AdU (Women)

4 n.h. -- FEU vs ADMU (Women)

PUNTIRYA ng Ateneo ang unang Final Four berth sa muli nilang pagtutuos ng Far Eastern University sa pagpapatuloy ngayon n g UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Hawak ang seven-game winning streak, haharapin ng Lady Eagles ang Lady Tamaraws ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, hharapin ng University of Santo Tomas ang sibak nang Adamson University ganap na 2 :00 ng hapon.

Inaasahang mamumuno para sa Lady Eagles ang team captain at setter na si Jia Morado na siyang susi sa magandang nilalaro nina Ateneo hitter Bea de Leon, Jho Maraguinot, Kat Tolentino, Michelle Morente at Ana Gopico.

Susubukan namang resolbahin ang problema sa consistency ng Lady Tamaraws para sa target na ikatlong sunod na Final Four stint.

Parehas sila ng UST na hangad umangat buhat sa pagkakabuhol nila ng University of the Philippines at National University sa 5-4 karta.

“Sobrang importante ang first ball. Kasi once na naka-receive naman kami, walang problema sa set play. Kaya naming mag-place ng play,”ani FEU coach Shaw Delos Santos. (Marivic Awitan)