Selena copy

IBINUNYAG ng pop star na si Selena Gomez na kinansela niya ang kanyang world tour nitong nakaraang taon at sumailalim ng therapy dahil siya ay depressed at anxious at “my self-esteem was shot.”

Inihayag din ni Gomez, 24, na mahigit 113 milyon ang followers sa Instagram, sa isang panayam na inilathala nitong Huwebes na nababahala siya sa pagkahumaling niya sa social meda at wala na rin ang Instagram app sa kanyang phone.

“As soon as I became the most followed person on Instagram, I sort of freaked out. It had become so consuming to me.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

It’s what I woke up to and went to sleep to. I was an addict,” saad ni Gomez sa cover story ng Vogue April edition.

Naging maingay ang pangalan ng dating Disney Channel singer at aktres noong Agosto nang bigla niyang itigil ang kanyang Revival world tour, at ipinaliwanag na kailangan niya ng sapat na panahon para ipagamot ang kanyang panic attack at depression.

Sinabi niya sa Vogue na tatlong buwan siyang sumailalim sa treatment program.

“My self-esteem was shot. I was depressed, anxious. I started to have panic attacks right before getting onstage, or right after leaving the stage. Basically I felt I wasn’t good enough, wasn’t capable. I felt I wasn’t giving my fans anything, and they could see it — which, I think, was a complete distortion,” aniya. (Reuters)