LAS VEGAS – Posibleng si Jeff Horn pa rin ang makakaharap ni Manny Pacquiao saHulyo.

Sinabi ni Top Rank supremo Bob Arum na nakikipagkasundo na ang kampo ni Horn para sa laban sa Brisbane sa Hulyo.

Ayon kay Arum, mas makatotohanan ang alok ng kampo ng Horn kesya sa iba pang nagnanais na makuha ang karapatan na labanan ng Pinoy champion.

Nauna nang naunsiyami ang laban sana ni Pacman aky Amir Khan nang mabigo ang kanyang advisor na si Michael Koncz na masiguro ang US38 milyon na premyo ng Senador.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sinabi ni Arum na hinihintay na lamang niya ang kompirmasyon ng Brisbane’s Suncorp Stadium.

Tangan ni Horn ang marka na (16-0-1, 11 KOs) at inaasahang magbibigayn ng magandan laban kay Pacquiao.