PINUTOL ng Ateneo de Manila ang apat na taong paghahari ng National University nang ganap nitong patalsikin ang Bulldogs sa pamamagitan ng 3-2, panalo sa UAAP Season 79 lawn tennis tournament.

Dahil sa panalo pormal na umusad ang University of Santo Tomas sa kampeonato.

Kung nanalo ang Bulldogs may pagkakataon silang makapuwersa ng playoff kontra sa Growling Tigers para sa No. 2 slot

Nakasampa ang UST sa best-of-three championship round sa kabila ng pagkatalo sa elimination round topnotcher University of the East, 2-3 makaraang tumapos na may 6-3 marka.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Magsisimula ang duwelo ng Red Warriors (9-1) at ng Growling Tigers sa titular showdown sa Sabado ganap na 8:00 ng umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sa women ‘s division, nakamit ng Lady Bulldogs ang twice-to-beat advantage kontra UST sa women’s Finals kasunod ng kanilang 4-1 panalo sa University of the Philippines.

Sa panalo, napalawig ng Lady Bulldogs ang record winning run sa 23. (Marivic Awitan)