NAMAYANI ang Far Eeastern University, 2-1, kontra National University upang manatiling nasa ikalawang posisyon sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Naisalba ng goal ni Audie Menzi sa ika-53 minuto ang Tamaraws para simulan ang second round sa pamamagitan ng panalo na tumapos sa naitalang 3-match winning streak ng Bulldogs.

Naunang umiskor para sa FEU si Alex Rayos sa ika-14 na minuto bago nakatabla ang NU sa pamamagitan ni Lawrence Colina matapos ang isang free kick, walong minuto ang nakalipas.

Sa isa pang laban, sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nakapuwersa ng draw ang Ateneo kontra defending champion University of the Philippines, 1-1.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May kabuuang 18 puntos ang Tamaraws ,naiiwan nang dalawang puntos sa likod ng namumunong Blue Eagles, habang nanatiling nasa ikatlong puwesto ang Fighting Maroons na may15 puntos kasunod ang Bulldogs na may 10 puntos.

Inumpisahan ni King Miyagi ang scoring para sa UP sa ika-32 minuto bago nakatabla ang Ateneo matapos ang header ni Jeremiah Rocha sa ika-65 minuto. (Marivic Awitan)