Kasong libel isasampa ni Mon laban kay ‘Peping’ Cojuangco.

HINDI sa social media bagkus sa husgado dapat tuldukan ang isyu ng ‘game fixing’ na ibinintang ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco laban kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

“I’ll already talked to my lawyers and they’re preparing to file libel charges against Mr. Cojuangco as soonest possible time,” pahayag ni Fernandez kahapon matapos ang media briefing para sa SEA Games Baton Run sa CCP Complex, Manila.

“I’ll give him (Cojuangco) a chance to prove his allegation against me in the proper forum. Mahirap na yung sa social media lang nagpapalitan ng sagot sa isyu. I stick on the issue and he should proved his ‘point shaving’ allegation,” sambit ng basketball living legend.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

‘Maliban sa Purefoods at Beerhousen, lahat ng team na pinaglaruan ko sa PBA nag-champion. My achievement speaks for myself. Sa 13 years ni Mr. Cojuangco sa POC, nasaan na ang Pilipinas pagdating sa sports? We must do something about this,” aniya.

Ibinunyag ni Cojuangco kamakailan sa PSA public forum na walang ‘morale ascendancy’ si Fernandez sa mga atleta dahil involve umano ito sa ‘game-fixing’ noong panahon niya bilang player sa PBA.

Ito ang naging tugon ng 82-anyos na dating Tarlac Congressman at mahigit isang dekada nang pinuno ng Olympic body sa bansa sa mga isinisiwalat ni Fernandez na kabiguan ng POC at mga national sports association na ma-liquidate ang mahigit P100 milyong pondo na nakuha nila sa pamahalaan.

“We’re doing our job. Inilagay kami dito sa puwesto ni Presidente Duterte para pangalagaan ang interest ng mga atleta at alisin ang korapsyon. Nasa record namin at nagkaroon na ng Senate imbestigation hingil dito but until now, wala pa silang sinusoling pondo sa pamahalaan,” pahayag ng dating PBA four-time MVP.

Iginiit ni Fernandez na mismong ang Commission on Audit (COA) ang nagdesisyon na dapat maibalik ng POC ang P27 milyon na ilegal na nagamit ng POC. “Nasaan na ang pera? Bakit hindi pa rin nababalik. We already asked COA na i-follow up,” aniya.

Sinusugan ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pahayag ni Fernandez ang sinabing all-out ang suporta ng PSC Board.

“We’re just putting everything is place. No financial assistance, no liquidation, mahirap bang sundin ito?. We’re doing our job, including the position in ‘visitorial power’, pero ang personal na birada nila sa amin,” sambit ni Ramirez.

Nilinaw naman ni Ramirez na hindi maapektuhan ang paghahanda ng mga atleta sa sigalot ng POC at PSC dahil ipinagkakaloob ng ahensiya ang pangangailangan ng mga atleta na naghahanda sa kanilang kampanya sa Sea Games.

‘As usual, trabaho kami. The SEAG Task Force is working closely with the PSC. Sa mga NSA na may problema sa liquidation we give support through the athletes,” aniya. (Edwin Rollon)