Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE), sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Bureau of Local Employment, DoLE-NCR at National Reintegration Center for OFWs (NRCO), ng tatlong araw na Pre-Registration Activity sa Marso 13, 14 at 15.

Ang aktibidad ay bilang paghahanda sa Job and Livelihood Fair sa Marso 28, sa Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Agham Road, Quezon City.

Target ng job-cum-livelihood fair ang lahat ng OFWs na nawalan ng trabaho at nasa Metro Manila, Regions 3 at 4-A mula sa siyam na malalaking kumpanya sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA): ang Mohammed al-Mojil Group, Saudi Bin Laden Group of Companies, Saudi Oger Ltd., Mohammad Hameed Al-Bargash & Bros.Trading & Construction, Aluminum Company, Rajeh H. Al Merri Contracting & Trading Company, Fawzi Salah-Al Nairani Contracting Company, Arabtec Construction L.L.C., at Real Estate Development and Investment Company.

Ang mga interesadong OFW ay maaaring magparehistro online, sa philjobnet.gov.ph, o offline (manual) pre-registration sa OWWA Center, sa panulukan ng 7th at F.B. Harrison Streets, Pasay City; DoLE Assist WELL Center sa POEA sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City; NRCO sa Intramuros, Maynila; at sa mga lokal na pamahalaan sa NCR, Regions 3 at 4-A.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

(Bella Gamotea)