NAGTALA ng 64 excellent sets ang reigning Best Setter na si Is Polvorosa upang ihatid ang defending back-to-back men's champion Ateneo tungo sa ikasiyam na sunod na panalo matapos pataubin ang University of the Philippines, 25-19,26-28,25-15,25-16 kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Dahil sa impresibong playmaking ni Polvorosa,nagpatuloy ang winning run ng Blue Eagles. Nagbigay daan din ito upang tumapos na may double digit ang apat niyang kakampi sa pamumuno ni reigning MVP na si Marck Espejo na nagposte ng 19 puntos, kabilang dito ang 15 hit, tatlong block at isang service ace.

Kasama ni Espejo na nagtala ng double figure sina Rex Intal(16), Joshua Villanueva(15) at Ron Medalla(11).

Bumaba ang Maroons, pinamunuan ni John Mark Millete na may 18-puntos sa markang 4-5.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa isa pang laro, inungusan ng De La Salle ang Far Eastern University sa isang dikdikang 5-setter, 21-25,25-21,25-22,18-25,17-15.

Tumapos na may 16-puntos si Cris Dumago habang nagdagdag ng tig-14 puntos sina Geraint Bacon at Arjay Onia para pamunuan ang Green Spikers na umakyat sa kartadang 3-5.

Bunga ng kabiguan, bumaba ang Tamaraws na nanatiling nasa ikatlong posisyon taglay ang barahang 5-4. (Marivic Awitan)