Pinaghahanap ng awtoridad ang dalawang tumakas na preso ng Manila Police District (MPD)-Station 9, sa Malate, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Leo Celis, 29, ng 1661 Onyx Street, San Andres Bukid, Maynila, na inaresto nitong Enero 20, dahil sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002; at Denden Tanjli, 22, ng 2216 Adriatico St., Malate, Maynila, na nahaharap sa kasong theft.

Base sa imbestigasyon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS), bandang 4:45 ng madaling-araw nang mapansin ni PO2 Gregory Bago, duty jailer, na wala sa selda sina Celis at Tanjli.

Nabatid na nilagare ng dalawa suspek ang rehas ng kanilang selda upang makatakas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kusa namang sumurender sa MPD-GAIS si Bago at siya’y sinampahan ng kasong administratibo at kriminal dahil sa kapabayaan. (Mary Ann Santiago)