ALDEN copy

MATUTUPAD na ang matagal nang request ng fans ni Alden Richards na magkaroon siya ng concert na madaling puntahan.

Mangyayari ito sa May 27, 8 PM, sa Kia Theater, titled Upsurge, produced ng GMA Records at GMA Network.

Sa nakita naming picture sa meeting, mukhang si GB Sampedro ang magdidirek ng concert ni Alden. To be announced soon ang ticket prices at special guests.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Umaasa ang AlDub fans na igi-guest ni Alden ang ka-love team niyang si Maine Mendoza sa concert. May mga nagre-request din na i-guest sina Kristoffer Martin, Rodjun Cruz at iba pang kaibigan ng binata.

Lalong naging busy ang schedule ni Alden dahil may Destined To Be Yours sila ni Maine, may shows sa Los Angeles sa April 9 at New York sa Apr. 12. Susunod na rito ang concert niya sa Kia Theater nga sa May 27.

Sa Lenten special ng Eat Bulaga, tampok din si Alden sa isang episode kasama sina Ryan Agoncillo, Pia Guanio at Ruby Rodriguez sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal. (Nitz Miralles)