MULA sa 800 koponan mula sa Luzon, Visayas, Metro Manila at Mindanao, maghaharap ang nalabing 20 eskwelahan -- 16 sa division 2 at apat sa division 1 – kabilang ang apat na mga dayuhang koponan sa idaraos na 10th SM NBTC League sa Marso 13-16 sa MOA Arena.

Buhat sa pagtuklas ng mga future collegiate stars at posibleng mga miyembro ng Batang Gilas mula sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas, sinimulan na rin ng NBTC sa pangunguna ng kanilang program director na si coach Eric Altamirano ang paghahanap ng mga kabataang manlalaro sa labas ng bansa na may mga dugong Filipino.

Apat na dayuhang koponan mula Canada, New Zealand, Australia at Estados Unidos ang inimbita ng NBTC ngayong taon upang makatunggali ng mga local national finals qualifiers sa division 1 ng torneo.

“Etong mga foreign teams na ito, isa sa mga requirements namin sa kanila para makalaro ay dapat may mga players silang may Filipino blood,” pahayag ni Altamirano. (Marivic Awitan)

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!