GAGANAPIN ang Jr. NBA Philippines regional selection camp para sa Visayas ngayong weekend sa Don Bosco Technology Center, Pleasant Homes Subdivision, Buhisan Rd., Cebu City.

Bukas ang NBA camp sa batang lalaki at babae na may edad 10 hanggang 14. Nakatuon ang programa sa pagtuturo sa mga kalahok na batay sa programa ng NBA. Magsisimula ang programa sa 9:00 ng umaga ngayon at ang final selection ay isasagawa bukas. Ito ang ikaanim na pagkakataon na nagsagawa ng Jr. NBA selection sa Cebu.

Pangungunahn nina Jr. NBA coach Chris Sumner at local coach na kinabibilangan ni PBA legend Jeffrey Cariaso ang cage camp. Ang mga mapipiling player ang siyang kakatawan sa Visayas para sa National Training Camp sa Mayo 12-14 sa Manila.

Libre ang pagpapatala, inaaanyayahan ang mga interesadong lumahok na magparehistro online sa www.jrnba.asia/philippines.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!