090317_Enrique_Manalo_01 copy

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo bilang acting secretary kapalit ni Perfecto Yasay na tinanggihan ng Commission on Appointments (CA) dahil sa pagsisinungaling sa kanyang US citizenship.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hahawakan ni Manalo ang posisyon hanggang makapagtalaga si Pangulong Duterte ng bagong DFA secretary.

“Undersecretary Enrique Manalo has been designated and appointed as Acting Secretary of the Department of Foreign Affairs by President Rodrigo Roa Duterte,” ani Abella.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“He will hold the position until the President appoints a new Secretary. Usec. Manalo is an excellent transition man, and has been on top of many crucial issues together with Atty. Perfecto Yasay.”

Samantala, maaari pa ring maging bahagi ng gobyerno ni Duterte si Yasay, sakaling magdesisyon ang Pangulo na italaga siya sa ibang puwesto.

“It has not been discussed (but) that is an option if he chooses to,” ani Abella sa press conference sa Palasyo.

Nang tanungin kung bakit acting secretary lamang si Manalo, sinabi ni Abella na: “We’re assuming that he is waiting on making his own appointment.”

Sa tanong kung si Senador Alan Cayetano ba ang nakatakdang maging susunod na Foreign Affairs chief, sinabi niya: “I don’t have any opinions regarding the matter.”

Dati nang sinabi ng Pangulo na pamumunuan muna ni Yasay ang DFA hanggang sa maaari nang maupo sa puwesto si Cayetano matapos ang isang taong appointment ban sa mga kumandidato sa nakalipas na halalan.

(Beth Camia at Genalyn D. Kabiling)