WESLEY CHAPEL, Fla. (AP) — Magtutuos ang United States at three-time defending champion Czech Republic sa semifinals ng Fed Cup sa Abril sa Florida.

Ipinahayag sa media conference nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) na gaganapin ang duwelo sa Saddlebrook Resort, sa Tampa, Florida, sa Abril 22-23.

Ang best-of-five matchup na lalaruin sa green clay court ay tatampukan ng dalawang singles match sa Abril 22, habang ang dalawang reverse single at double match ay sa Abril 23.

Ang magwawagi sa ties ay uusad sa Fed Cup final sa Nov. 11-12.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Huling sumabak ang U.S. sa finals ng taunang women’s international team competition noong 2010. Nakamit nila ang huli at ika-17 Fed Cup title noong 2000.

Napagwagihan naman ng Czech Republic ang lima sa huling anim na Fed Cup title, kabilang ang three-peat noong 2014-16.