OBERHOFEN, Switzerland (AP) — Hiniling ng International Ski Federation ang mas mahabang ‘banned’ kay Norwegian cross-country ski star Therese Johaug na nagpositibo sa steroid.
Ayon sa FIS, ang 13-month ban na ipinataw kay Johaug ay lubhang maiksi at “on the low end of the range of reasonable sanctions.”
Sinabi ng FIS na i-aapela nila ang desisyon ng Norwegian Olympic tribunal sa Court of Arbitration for Sport.
Nagpositibo ang 28-anyos na si Johaug sa ipinagbabawal na ‘clostebol’. Aniya, nagmula ito sa lotion na pinayagan ng kanyang doctor na magamit para malabanan ang sunburned sa kanyang labi para sa high-altitude training noong Agosto sa Italy.
Ayon sa Norwegian judging panel na nangasiwa ng kaso ni Johaug, two-time overall World Cup champion at seven-time world championships gold medalist, na hindi nito kasalanan ang kaganapan.
Ngunit, sinabi ng FIS na alam ito ni Joahaug dahil nakalagay sa label ang naturang gamot.