GREEN BAY, Wis. (AP) — Sinuspinde at walang bayad si Green Bay Packers defensive lineman Letroy Guion bunsod nang paglabag sa panuntunan ng NFL hingil sa performance-enhancing drugs.

Sa opisyal na pahayag ng NFL, pinigilan nila si Guion na makibahagi sa offseason at preseason practice, gayundin sa preseason game.

Wala nanang pahayag ang Packers hingil sa isyu.

Naitala ni Guion ang 30 tackles sa 15 laro bilang starter sa nakalipas na season. Lumagda ang nine-year veteran ng three-year deal na nagkakahalaga ng US$11.25 milyon nitong Pebrero 2016 para manatili sa Packers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!