Sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang makipag-ayos sa Mighty Corporation kaugnay ng umano’y paggamit nito ng pekeng tax stamp kapag nagbigay ang kumpanya ng tig-P1 bilyon sa tatlong ospital sa Mindanao at Maynila.

Ito ay kasunod ng mga ulat na nag-alok ng P1.5 milyon ang presidente nito na si Alex Wongchuking bilang kabayaran sa mga sinasabing pekeng tax stamp.

Sa isang ambush interview sa Bansalan, ipinahayag ni Duterte na handa siyang makipag-areglo sa Mighty Corporation kung dodoblehin nito ang kanilang iniaalok na kabayaran.

“I will forget about the printing of P1.5 billion worth of fake stamps. I will agree to this: Pay double, I’ll forget about it,” sinabi ni Duterte sa salitang Bisaya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

“He offered P1.5 billion, which is definitely unacceptable to me. There was deceit. So, he needs to give double. He should offer P3 billion,” dagdag niya.

Aniya, ang P3 bilyon na direktang ibibigay kay Health Secretary Paulyn Ubial ay gagamitin sa mga pangangailangan ng mga ospital sa Basilan, Jolo, at Maynila.

“He should give P1 billion for Basilan because I want to fix the hospital there. P1 billion for Jolo because I also want to fix the hospital there. Then in Manila, P1 billion for Mary Johnston Hospital in Tondo,” sambit ng Pangulo.

“Three billion and we’re settled. Tell him.”

Sinabi ni Duterte na ginawa niya ito dahil pinapayagan sa batas na makipag-ayos sa mga kumpanyang nabibigong magbayad ng buwis, sinasadya man ito o hindi. (Argyll Cyrus B. Geducos)