SEOUL (AFP) – Lumutang kahapon ang video ng isang lalaki na nagpapakilalang anak ng pinaslang na North Korean exile na si Kim Jong-Nam. Ito ang unang pagkakataon na isang miyembro ng pamilya ang nagsalita tungkol sa pagpaslang.

Kinumpirma ng National Intelligence Service ng South Korea na si Kim Han-Sol ang lalaki sa video, na inilabas sa YouTube page ng Cheollima Civil Defense (CCD).

Sa video, nagsalita ang lalaki sa wikang English: ‘’My name is Kim Han-Sol, from North Korea, part of the Kim family.

My father has been killed a few days ago. I’m currently with my mother and my sister. We are very grateful to...’’ aniya, bago naputol ang audio.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Si Han-Sol, 21, ay nagtapos sa Sciences Po university sa Paris at naninirahan kasama ng kanyang mga magulang sa Macau, China bago siya maglaho kasama ang kanyang ina at kapatid na babae kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama. Dahil sa kanyang bloodline, si Han-Sol ay maituturing na karibal sa puwesto ng kanyang tiyuhin na si Kim Jong-Un, ang kasalukuyang lider ng North Korea.