Lima pang miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay sa patuloy na pakikipagbakbakan ng militar sa bandidong grupo sa Sulu nitong Linggo, kinumpirma nitong Lunes.

Base sa report ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), umakyat na sa 23 miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay nakalipas na tatlong linggo.

Ayon kay Army Colonel Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu (JTF-Sulu) ng AFP, nakasamsam din ng ilang matataas na kalibre ng baril sa huling engkuwentro sa Barangay Lumipad, Mainbung, Sulu, dakong 5:00 ng umaga nitong Linggo.

Ayon pa kay Sobejana, sugatan din ang ASG sub-leader na si Idang Susukan sa madugong engkuwentro na ikinamatay ng kapatid nitong si Jaber.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“We have an additional five killed Abu Sayyaf. Idang Susukan, who is a sub-commander of the Abu Sayyaf, was also wounded with his brother also getting killed as a result of the fierce encounter,” pagkukumpirma ni Sobejana.

Sinabi ni Sobejana na inaasahan ng militar na patuloy pang madadagdagan ang bilang ng mga napapatay na bandido sa patuloy na opensiba ng militar. (Francis T. Wakefield)