KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) — napagwagihan ni Ashleigh Barty ang unang WTA singles title nang padapain si Nao Hibino 6-3, 6-2 nitong Linggo sa Malaysian Open final.

Dumaan ang 158th-ranked Australian sa qualifying round at natalo lamang ng isang set sa kabuuan ng torneo.

"I was just so happy to come out and play some good tennis today," pahayag ni Barty.

Tangan niya ang 4-1 bentahe sa opening set nang bumuhos ang malakas na ulan na nagpahinto sa laro ng halos 90 minuto sa TPC Kuala Lumpur.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa pagbabalik ng aksiyon, higit ang lakas ni Barty para tuluyang dominahin ang karibal.