SEOUL (AFP) – Pinagbabawalan ng Pyongyang ang lahat ng Malaysian citizen na makaalis sa North Korea, sinabi ng state media noong Martes, posibleng hino-hostage sila sa gitna ng umiinit na iringan ng dalawang bansa kaugnay sa pagpatay kay Kim Jong-Nam sa Kuala Lumpur.

‘’All Malaysian nationals in the DPRK will be temporarily prohibited from leaving the country until the incident that happened in Malaysia is properly solved,’’ iniulat ng Korea Central News Agency, batay sa sinabi ng foreign ministry.

Nagkalamat ang dating matatag na ugnayan ng Pyongyang at Kuala Lumpur matapos lasunin ng dalawang babaeng suspek ang half-brother ni North Korean leader Kim Jong-Un gamit ang VX nerve agent.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'