PANAMA CITY (AP) – Isang bus na sakay ang mga magsasaka ang nahulog sa bangin sa timog kanluran ng kabisera, na ikinamatay ng 16 na katao at ikinasugat ng 35 iba pa.

Nangyari ang aksidente noong Linggo sa Pan-American Highway sa Anton, may 170 kilometro ang layo mula sa Panama City.

Nakita sa mga litratong inilabas ng local media ang puting bus sa sapa sa ilalim ng bangin, sa ibaba ng tulay.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinabi ni government spokesman Manuel Dominguez sa Twitter na pawang lalaki ang mga namatay.