Mahigit 700 biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselado simula kahapon bunsod ng 6-araw na pagsara ng air traffic radar sa Tagaytay.

Layunin ng temporary shutdown na bigyan ng panahon ang maintenance at upgrade work sa naturang radar para maging mas ligtas at maayos ang air traffic, pabatid ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kaugnay nito, magbabawas ng biyahe sa domestic at international flight hanggang sa Marso 11.

Nagbigay na ng abiso sa kanilang mga customer ang apektadong airline companies tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific, Air Asia at Skyjet Airlines. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji