GINAPI ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 25-16, 21-25, 26-24, 25-20, kahapon sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Pinangunahan ng bagitong si Mary Dominique Pacres ang ratsada ng Tigresses sa fourth set tungo sa ikatlong sunod na panalo ng Espana-based squad at tuldukan ang three-game winning streak ng FEU Lady Tamaraws.

Naitala ni Pacres ang tatlong sunod na service ace para ibigay sa Tigresses ang 23-16 bentahe, bago humataw si team captain Sisi Rondina sa huling anim na puntos ng UST.

Nakabawi ng bahagya ang Lady Tamaraws, subalit lubhang magilas ang karibal sa kabuuan ng laro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umusad ang UST sa 4-3 para makatabla ang FEU sa ikatlong puwesto.