Mahigpit na ipagbabawal ang diskriminasyon laban sa sinuman dahil sa lahi, ethnicity, relihiyon o paniniwala, kasarian, gender, sexual orientation, gender identity, lengguwahe, pinsala, HIV status, at iba pa.

Pinagtibay ng House committee on human rights ang paglikha ng Technical Working Group (TWG) na mag-aayos sa walong panukalang batas tungkol sa isyu ng diskriminasyon.

Sa pagdinig ng komite na pinamunuan ng vice chairperson nitong si Amin Party-list Rep. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, nagkasundo ang mga miyembro sa paglikha ng TWG para sa pagsasama-sama ng mga anti-discrimination bill.

“Under the bill, there should not be any stereotyping or profiling of any person especially when they apply for work. The penalties should not be lower than P30,000 for the first offense, not lower than P200,000 for the next offense, and not lower than P500,000 for the third offense,” ayon kay Rep. Evelina Escudero, na isa sa mga nag-akda ng panukala kontra diskriminasyon. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony